Tuesday, October 12, 2010

Episode 8: Sabungan sa San Diego!



Sa gitna ng bayan ng San Diego, ang mga Kapitang sina Pablo, Basilio at Lucas ay nagpupustahan sa isang sabungan. Habang nag-aaway ang dalawang tandang, isa na nakasuot ng pula at ang isa namang naka-puti,  sina Bruno at Tarsilo, magkapatid na namatayan ng ama sa kamay ng mga guwardiya sibil, ay gusto ring magpusta, kaya nagpautang sila kay Kapitan Lucas. Ngunit, sabi ni Lucas na ang pera niya ay galing kay Crisostomo Ibarra, kaya nag-aalangan siyang magpautang.

Ano kaya mangyayari? Bibigyan ba ang magkapatid ng pera o hindi? At sino ang mananalo, ang pula o puti? At ano ba ang impikasyon nito sa mga nagpupustahan?

PANOORIN ANG BAGONG PALABAS, NGAYONG HUWEBES PAGKATAPOS NG AGUA BENDITA, SA PRIMETIME BIDA!

BAGONG MANAGEMENT


Mabuhay, mga Nolis! :)

Ang blog na ito tungkol sa inyong paboritong teleserye ay nasa ilalim na ng bagong management, kaya sana 'di kayo maabala nang makita ninyo ang bagong estilo ng paglalagay ng mga post at synopsis ng bawat episode. Ito ay ginagawa upang umunlad ang inyong pagbasa at maging mas maayos at makabuluhan ang blog na ito.

Alam namin na nagkaroon kayo ng mga reklamo at kritisismo para sa dating estilo, kaya titiyakin naming ayusin ang mga dating mali at inaaasahan din namin na magtutulungan tayo sa isa't isa upang maitutupad ang ating mga hangarin para sa blog na ito.

Salamat sa tuluyang pagsuporta at MORE POWER SA ATING LAHAT!

"Huwag Mo Ako Salingin" Blog Management Team
Oktubre 2010

Wednesday, October 6, 2010

Episode 4-7

Episode 4: Ang Sadistikong Donya

Bago dumaan ang prusisyon sa kanyang bahay, binawalang lumabas ang magandang asawa ng Alferez, si Donya Consolacion, dahil inkinahihiya ng Alferez ang kanyang pananamit. Dahil dito, 'di siya nakapagmisa kasama ang guwardiya sibil, at tuloy, napuno siya ng galit. Pandagdag sa kanyang galit ang kanyang pagmumura at pag-aalipusta ng kanyang asawa sa kanya, kaya nagbalak siyang maghiganti.

Pinasara niya ang mga pinto at bintana ng bahay upang siya'y mag-isa sa loob, at sa tahimik ng bahay ay narinig niya ang magandang boses ni Sisa. Piantawag niya si Sisa at nag-awit ito ng isang kundimang tumalab sa isip ng Donya, at dahil dito'y nagsalita siya ng Tagalog, isang surpresa sa mga lumilingid na guwardiya sibil. Pagkatapos ay pinilit ng Donya na sumayaw si Sisa, at sa pag-ayaw nito'y pinalo siya ng Donya sa paa. Dahil sa nipis ng kanyang damit, sabay nasira ang damit, nagkasugat at dumugo si Sisa, kasama ang pagluha niya, habang ang Donya ay tumawa lamang dahil inilabas na niya ang kanyang galit sa asawa kay Sisa.

Pagdating ng Alferez, nabigla siya sa kanyang nakitang eksena, ngunit nagkunwari ang Donyang walang nangyari. Na walang pagsalita sa kanyang asawa, inutusan ng Alferez na bigyang damit, gamutin ang sugat, at mag-alaga sa kawawang Sisa, at sa susunod na umaga, ay ipadala ito sa bahay ni Crisostomo Ibarra. Tumitingin-tingin lang ang mag-asawa ngunit walang salitang lumalabas sa bibig.

Nagkakaroon na ng isang flashback sa buhay ni Donya Consolacion at pinapakita ang mga dahilan kung bakit plastik at sadistiko ang kanyang dating, tulad ng hindi pagkuha ng sapat na edukasyon, pagiging labandera ng alferez na dati ay isang kabo lamang, at ang pag-asa na sundin ang kultura ng Europa.

______________________________________________________________________

Episode 5: Gulo sa Entablado

Sa kadiliman ng alas dies ng gabi, tanging pag-ilaw ng mga kuwitis ang pinagmumulan ng liwanag para sa mga taong naglalakad patungong bayan, kung saan mayroon isang malalaking entablado. Dito nagaganap ang isang dulaan, at sa tabi, nag-uusap sina Don Filipo at Pilosopong Tasio sa kanyang balak na magbitiw na sa puwesto ng pagiging Tinyente Mayor, ngunit tinanggi ito ng kura. Huminto ang kanialng pag-uusap nang dumating sina Maria Clara at ang kanyang mga kaibigan, si Padre Salvi at ibang mga Kastila.

Nang nakaupo na ang lahat, nagsimula na ang dulang “Crispino dela Comare”, at lahat ay nakatutok sa entablado, maliban kay Salvi, na tumitingin lamang kay Maria Clara. Pagkatapos ng unang parte, dumating si Ibarra at binati niya ang kanyang kasintahan at ang kanyang mga kaibigan. Naselos si Salvi kay Ibarra at sinabihan niya si Filipo na paalisin niya ito. Hindi nakinig si Filipo dahil sabi niya na marami siyang utang kay Ibarra, at walang kapangyarihan ang simbahan dahil makapangyarihan si Ibarra, kung sino'y nakit niyang nakipag-usap sa Kapitan Heneral at ang Alkalde ng Lalawigan. Napilitang umalis si Salvi at ang kanyang mga kasama.

Umalis si Ibarra nang sandali, at habang wala siya, nilapitan si Filipo ng dalawang guwardiya sibil na ihinto ang dulaan dahil 'di makatulog si Donya Consolacion, ngunit 'di niya sinunod ang utos at pinatapos ang dula. Nagkagulo ang pagtitipon nang ang dalawang sibil ay nag-utos sa mga musikero na maghinto, ngunit ang mga sibil naman ay inatake ng mga kuwadrilyerong katulong ni Filipo. Nang bumalik si Ibarra, hinanap niya si Maria Clara, ngunit hindi niya ito mahanap, at sa halip ay nagkapit-bisig ang ibang mga dalaga sa kanya. Habang ihinahatid ng mga kuwadrilyero ang mga hinuling sibil, balak ng ibang mga lalaking iatake ang mga ito, at sinabihan silang huwag gawin ito nina Filipo at Ibarra, dahil magiging mas malala pa ang sitwasyon. Inutusan ni Ibarra na bantayan ang mga lalaki ni Elias upang hindi sila gumawa ng masama.

Sa malayong lugar, nakita ni Salvi ang buong kaguluhan, at nakita din niya si Maria Clara, at Tiya Isabel, na tila'y nawalan ng malay at iniwan ni Ibarra. Bumaba siya sa kumbento, dinala ang dalawang anino sa bahay ni Kapitan Tiago, ngunit wala siyang ginawang masama at bumalik nalang siya sa kumbento.

__________________________________________________________________________

Episode 6: Si Lucas

Habang nasa loob ng laboratoryo si Ibarra, naging panauhin niya si Elias, na dumalaw upang ipaalam na nilalagnat si Maria Clara, magpaalam na tumungo siyang papuntang Batangas, at tanungin si Ibarra kung may iapapagawa pa siya sa kanya. Tinanong ni Ibarra muna ang piloto kung paano niya itinigil ang gulo at ang dahilan daw ay kilala niya ang magkapatid na sibil at pinakiusapan niya ang mga itong ihinto ang kanilang panggugulo. Pagkatapos sabihin ito ni Elias ay umalis na siya patunong Batangas.

Habang nagbibihis si Ibarra, pinag-isipan niya ang kasintahang nagkasakit, at balak niyang pumunta sa bahay nina Kapitan Tiago. Sa daan papunta sa bahay ng mahal, isang maitim na lalaki ay kanyang nakita na may pangalang Lucas. Ang mama ay ang kapatid ng madilaw na tao na namatay sa unang bagsak ng bato ng paaralan ni Ibarra, at tinatanong kung kailan ibabayad ang kanilang pamilya. Sinabihan siya ni Ibarra na maghintay nalang muna dahil may binbisita siyang maysakit at mabilis naman siyang babalik, kaya saka nalaang nila pag-usapan ang pagbabayad. Sumang-ayon si Lucas, ngunit nang tumalikod ito'y kumulo ang kanyang dugo at bumulong sa sarili na kapag 'di nagbayad si Ibarra, magiging parang apoy ang kanyang dugo, at magiging isang kalaban si Ibarra, ngunit kung magbayad ng sapat, magiging isang mabuting kaibigan ang dalawa.

________________________________________________________________________

Episode 7: Ang Mangagamot

Sa bahay ni Kapitan Tiago, puno ang lahat ng tao ng kalungkutan dahil sa pagkasakit ni Maria Clara. Pinag-uusapan ng magkapinsang sina Tiya Isabel at Tiago kung alin sa dalawang krus nila ay magbibigay ng pinakamalaking biyaya at himala, nang dumating si Dr. Tiburcio de Espadana, kalihim ng lahat ng mga ministro ng Espanya, at may relasyon din kay Padre Damaso.

Nang nakita si Donya Victorina, inakala niya ito'y mas bata kaysa sa totoong edad, at nagkakaroon ng isang flashback sa kabataan ni Victorina, kung saan ipinakita na dahil sa sobrang ganda niya noong siya'y dalaga, balak niyang ikasala ang isang dayuhan kaysa sa isang Pilipino upang umangat ang kanyang status sa lipunan. Dahil pinilit ang sariling magmahal sa isang Kastila, pinili nalang niya ang isang mahirap na Kastila na pinilitang mamuhay sa Pilipinas galing sa Espanya, at ito'y ang doktor na bagong dalaw sa bahay ni Tiago, na mukhang mas matanda kaysa kay Victorina, kung sino'y tunay na mas matanada sa kanya.

Ang doktor ay ipinakitang nagsakay sa barkong Salavador patungong Pilipinas, at dito'y nakaranas siya ng pagkabali ng paa at katakut-takot na paghihilo. Nang dumating siya sa bansa, labinlimang araw ang nakalipas bago siya makakuha ng isang trabaho sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sinabihan siyang huwag na mag-aral at maghanap nalang ng magandang kapalaran sa probinsya, dahil dito, puwede siyang maging isang doktor na walang kwalipikasyon kundi pagiging Kastila. Kahit ayaw niyang sundin ito, wala na siyang opsyon, at nagtrabaho siya sa ospital ng San Carlos bilang tagapaglinis ng mga mesa't upuan at tagapagbaga ng mga painitan na wala talagang alam sa medisina. Sa una, mababa ang suweldo, ngunit sa paglipas ng oras ay palaki nang palaki ito, kasama ang kanyang pataas na tiwala sa mga Pilipino. Subalit, may isang araw na sinumbong ng mga doktor sa Protomediko de Manila na 'di siya isang tunay na doktor, at nawalan na siya ng mga pasyente.

Pinag-isipan niyang maglimos ulit tulad noong siya'y nasa Espanya nang ipakasalan ni si Victorina. Lumipat ang mag-asawa sa Santa Ana upang mamuhay. Ilang araw ang nakalipas at bumili ng aranya at karomata si Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ilang buwan ang lumipas, at ayaw ng Donya na manganak sa Pilipinas at doon nalang sa Espanya dahil ayaw niya ng anak na tatawaging rebolusyonario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada.

Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay napanatili siya sa Pilipinas kahit sinasabi niya ito'y “lupain ng mga salvaje”. Kahit madalas siyang tingnan ng mga doktor, hindi siya nagkaanak. Dahil naging desperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, inilabas ang galit sa asawa, at ang doktor ay 'di man lang tumanggi. Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na magkaroon ng titulong medisina, at kahit tumutuol siya ay sinunod niya rin ito.


Habang nagmemeriyenda sila, dumalaw si Padre Salvi, kung sino'y matagal silang magkakilala. Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan – Heneral sa kanilang tahanan. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria Clara na noon ay nakahiga sa kama at may panyo sa ulo. Pinulsuhan ng doktor si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Sa huli, dumating si Padre Damasong kagagaling lamang sa sakit, upang dumalaw kay Maria Clara.


Episode 1-3

1

Napakagulo talaga sa tahanan nina Kapitan Tiago dahil nalaman lamang nila na dadalo sa kanilang tahanan ang Gobernador Heneral, ang pinakamakapangyarihan na Kastila sa buong Pilipinas. Habang nag-aalala si Tiago ay may sarili ring problema ang kanyang anak, si Maria Clara. Namomoblema siya dahil hindi siyang pinapagayang makipagusap sa lalaking mahal niya, si Crisostomo Ibarra, habang eskomonicado pa ito. Gusto naman ni Tiya Isabel na tulungan si Maria Clara kaya naman binalak nila na sulatan ang Papa upang tanggalin na ang pagkaeskomonicado ni Ibarra at magbibigay rin sila ng malaking donasyon bilang paniguro.

Higit pa rito, nalaman nina Maria Clara na may kamaganak si Damaso na dadalo sa Pilipinas at sila ay magaasikaso dito. Nalaman rin sa kabanatang ito na kakilala ni Tiago ang arsobispo at gusto sanang kausapin ito para sa kapakanan ni Ibarra, subalit sinabi ni Tiago na prayle rin ang arsobispo at ang kapakanan ng mga kapwa niyang prayle ang dapat niyang unahin.

Dumating na rin ang Kapitan Heneral at nagdasal muna si Maria Clara bago siyang tinawag ni Tiya Isabel, dahil gusto siyang kausapin ng Kapitan Heneral.
______________________________________________________
2

Hinahanap ng Kapitan Heneral si Ibarra, subalit wala ito kaya naman kinausap niya muna ang isang biantang taga-Maynila. Pagkatapos ng usapin ng dalawa ay pumasok naman ang mga pari, pero napansin ng Kapitan Heneral na wala si Damaso at ang isinagot ng mga prayle ay may sakit ito kaya hindi siya nakadalaw.

Hindi na matiis ni Salvi ang kagustuhan niyang ipaalam sa Kapitan Heneral na ekscomunicado si Ibarra, pero hindi naman itong napansin ng Kapitan Heneral. Sinabi lamang niya na inihahatid niya ang kanyan pagkakamusta kay Padre Damaso. Dumating na rin si Ibarra at kinamayan ito ng Kapitan Heneral. Sinuportahan rin ng Kapitan Heneral ang desisyon ni Ibarra na ipagpatanggol ang alaala ng kanyang ama. Nag-usap ang dalawa at pagkatapos ay sinabi ng Kapitan Heneral na puntahan ni Ibarra ang kanyan kasintahan, si Maria Clara.

Ipinatawag ng Kapitan Heneral ang Alkalde at nag-usap sila. Pumanta naman si Ibarra sa kwarto ni Maria Clara, pero wala ang dalaga rito at isang liham lamang ang natagpo niya.
Salvi: Excomunicado si Ibarra! (sinabi sa Kapitan Heneral)

______________________________________________________
3

Iniilaw ng mga paputok ang langit at nagsimula na ang prusisyon. Halos lahat ng mga lalaki ay may dalang parol, at nakita ring naglalakad sina Tiago, Ibarra, ang Kapitan Heneral at ang Alkalde patungo sa bahay ni Tiago. Pagdating nila ay gusto sanang maiwan ni Ibarra upang makasama si Maria Clara subalit niyaya siya ng Kapitan Heneral na samahan siya.

Nagprusisyon naman ang mga sakristan, guro at mga bata. Pagkatapos nito ay iprinusisyon na ang mga imahe ng mga banal na santo. Huling prinusisyon ang imahe ng mahal na Birhen. Mayroon ring batang nagbigkas ng papuri sa Latin, Espanol at Tagalog. Siguro ang pinakaimportanteng pangyayari dito ay ang pag-awit ni Maria Clara, kung saan naaliw ang lahat ng tao. Nakita rin na gustong pag-uusapan ng Kapitan Heneral ang pagkawala nina Crispin at Basilio.