Wednesday, October 6, 2010

Episode 1-3

1

Napakagulo talaga sa tahanan nina Kapitan Tiago dahil nalaman lamang nila na dadalo sa kanilang tahanan ang Gobernador Heneral, ang pinakamakapangyarihan na Kastila sa buong Pilipinas. Habang nag-aalala si Tiago ay may sarili ring problema ang kanyang anak, si Maria Clara. Namomoblema siya dahil hindi siyang pinapagayang makipagusap sa lalaking mahal niya, si Crisostomo Ibarra, habang eskomonicado pa ito. Gusto naman ni Tiya Isabel na tulungan si Maria Clara kaya naman binalak nila na sulatan ang Papa upang tanggalin na ang pagkaeskomonicado ni Ibarra at magbibigay rin sila ng malaking donasyon bilang paniguro.

Higit pa rito, nalaman nina Maria Clara na may kamaganak si Damaso na dadalo sa Pilipinas at sila ay magaasikaso dito. Nalaman rin sa kabanatang ito na kakilala ni Tiago ang arsobispo at gusto sanang kausapin ito para sa kapakanan ni Ibarra, subalit sinabi ni Tiago na prayle rin ang arsobispo at ang kapakanan ng mga kapwa niyang prayle ang dapat niyang unahin.

Dumating na rin ang Kapitan Heneral at nagdasal muna si Maria Clara bago siyang tinawag ni Tiya Isabel, dahil gusto siyang kausapin ng Kapitan Heneral.
______________________________________________________
2

Hinahanap ng Kapitan Heneral si Ibarra, subalit wala ito kaya naman kinausap niya muna ang isang biantang taga-Maynila. Pagkatapos ng usapin ng dalawa ay pumasok naman ang mga pari, pero napansin ng Kapitan Heneral na wala si Damaso at ang isinagot ng mga prayle ay may sakit ito kaya hindi siya nakadalaw.

Hindi na matiis ni Salvi ang kagustuhan niyang ipaalam sa Kapitan Heneral na ekscomunicado si Ibarra, pero hindi naman itong napansin ng Kapitan Heneral. Sinabi lamang niya na inihahatid niya ang kanyan pagkakamusta kay Padre Damaso. Dumating na rin si Ibarra at kinamayan ito ng Kapitan Heneral. Sinuportahan rin ng Kapitan Heneral ang desisyon ni Ibarra na ipagpatanggol ang alaala ng kanyang ama. Nag-usap ang dalawa at pagkatapos ay sinabi ng Kapitan Heneral na puntahan ni Ibarra ang kanyan kasintahan, si Maria Clara.

Ipinatawag ng Kapitan Heneral ang Alkalde at nag-usap sila. Pumanta naman si Ibarra sa kwarto ni Maria Clara, pero wala ang dalaga rito at isang liham lamang ang natagpo niya.
Salvi: Excomunicado si Ibarra! (sinabi sa Kapitan Heneral)

______________________________________________________
3

Iniilaw ng mga paputok ang langit at nagsimula na ang prusisyon. Halos lahat ng mga lalaki ay may dalang parol, at nakita ring naglalakad sina Tiago, Ibarra, ang Kapitan Heneral at ang Alkalde patungo sa bahay ni Tiago. Pagdating nila ay gusto sanang maiwan ni Ibarra upang makasama si Maria Clara subalit niyaya siya ng Kapitan Heneral na samahan siya.

Nagprusisyon naman ang mga sakristan, guro at mga bata. Pagkatapos nito ay iprinusisyon na ang mga imahe ng mga banal na santo. Huling prinusisyon ang imahe ng mahal na Birhen. Mayroon ring batang nagbigkas ng papuri sa Latin, Espanol at Tagalog. Siguro ang pinakaimportanteng pangyayari dito ay ang pag-awit ni Maria Clara, kung saan naaliw ang lahat ng tao. Nakita rin na gustong pag-uusapan ng Kapitan Heneral ang pagkawala nina Crispin at Basilio.

No comments:

Post a Comment