Wednesday, October 6, 2010

Episode 4-7

Episode 4: Ang Sadistikong Donya

Bago dumaan ang prusisyon sa kanyang bahay, binawalang lumabas ang magandang asawa ng Alferez, si Donya Consolacion, dahil inkinahihiya ng Alferez ang kanyang pananamit. Dahil dito, 'di siya nakapagmisa kasama ang guwardiya sibil, at tuloy, napuno siya ng galit. Pandagdag sa kanyang galit ang kanyang pagmumura at pag-aalipusta ng kanyang asawa sa kanya, kaya nagbalak siyang maghiganti.

Pinasara niya ang mga pinto at bintana ng bahay upang siya'y mag-isa sa loob, at sa tahimik ng bahay ay narinig niya ang magandang boses ni Sisa. Piantawag niya si Sisa at nag-awit ito ng isang kundimang tumalab sa isip ng Donya, at dahil dito'y nagsalita siya ng Tagalog, isang surpresa sa mga lumilingid na guwardiya sibil. Pagkatapos ay pinilit ng Donya na sumayaw si Sisa, at sa pag-ayaw nito'y pinalo siya ng Donya sa paa. Dahil sa nipis ng kanyang damit, sabay nasira ang damit, nagkasugat at dumugo si Sisa, kasama ang pagluha niya, habang ang Donya ay tumawa lamang dahil inilabas na niya ang kanyang galit sa asawa kay Sisa.

Pagdating ng Alferez, nabigla siya sa kanyang nakitang eksena, ngunit nagkunwari ang Donyang walang nangyari. Na walang pagsalita sa kanyang asawa, inutusan ng Alferez na bigyang damit, gamutin ang sugat, at mag-alaga sa kawawang Sisa, at sa susunod na umaga, ay ipadala ito sa bahay ni Crisostomo Ibarra. Tumitingin-tingin lang ang mag-asawa ngunit walang salitang lumalabas sa bibig.

Nagkakaroon na ng isang flashback sa buhay ni Donya Consolacion at pinapakita ang mga dahilan kung bakit plastik at sadistiko ang kanyang dating, tulad ng hindi pagkuha ng sapat na edukasyon, pagiging labandera ng alferez na dati ay isang kabo lamang, at ang pag-asa na sundin ang kultura ng Europa.

______________________________________________________________________

Episode 5: Gulo sa Entablado

Sa kadiliman ng alas dies ng gabi, tanging pag-ilaw ng mga kuwitis ang pinagmumulan ng liwanag para sa mga taong naglalakad patungong bayan, kung saan mayroon isang malalaking entablado. Dito nagaganap ang isang dulaan, at sa tabi, nag-uusap sina Don Filipo at Pilosopong Tasio sa kanyang balak na magbitiw na sa puwesto ng pagiging Tinyente Mayor, ngunit tinanggi ito ng kura. Huminto ang kanialng pag-uusap nang dumating sina Maria Clara at ang kanyang mga kaibigan, si Padre Salvi at ibang mga Kastila.

Nang nakaupo na ang lahat, nagsimula na ang dulang “Crispino dela Comare”, at lahat ay nakatutok sa entablado, maliban kay Salvi, na tumitingin lamang kay Maria Clara. Pagkatapos ng unang parte, dumating si Ibarra at binati niya ang kanyang kasintahan at ang kanyang mga kaibigan. Naselos si Salvi kay Ibarra at sinabihan niya si Filipo na paalisin niya ito. Hindi nakinig si Filipo dahil sabi niya na marami siyang utang kay Ibarra, at walang kapangyarihan ang simbahan dahil makapangyarihan si Ibarra, kung sino'y nakit niyang nakipag-usap sa Kapitan Heneral at ang Alkalde ng Lalawigan. Napilitang umalis si Salvi at ang kanyang mga kasama.

Umalis si Ibarra nang sandali, at habang wala siya, nilapitan si Filipo ng dalawang guwardiya sibil na ihinto ang dulaan dahil 'di makatulog si Donya Consolacion, ngunit 'di niya sinunod ang utos at pinatapos ang dula. Nagkagulo ang pagtitipon nang ang dalawang sibil ay nag-utos sa mga musikero na maghinto, ngunit ang mga sibil naman ay inatake ng mga kuwadrilyerong katulong ni Filipo. Nang bumalik si Ibarra, hinanap niya si Maria Clara, ngunit hindi niya ito mahanap, at sa halip ay nagkapit-bisig ang ibang mga dalaga sa kanya. Habang ihinahatid ng mga kuwadrilyero ang mga hinuling sibil, balak ng ibang mga lalaking iatake ang mga ito, at sinabihan silang huwag gawin ito nina Filipo at Ibarra, dahil magiging mas malala pa ang sitwasyon. Inutusan ni Ibarra na bantayan ang mga lalaki ni Elias upang hindi sila gumawa ng masama.

Sa malayong lugar, nakita ni Salvi ang buong kaguluhan, at nakita din niya si Maria Clara, at Tiya Isabel, na tila'y nawalan ng malay at iniwan ni Ibarra. Bumaba siya sa kumbento, dinala ang dalawang anino sa bahay ni Kapitan Tiago, ngunit wala siyang ginawang masama at bumalik nalang siya sa kumbento.

__________________________________________________________________________

Episode 6: Si Lucas

Habang nasa loob ng laboratoryo si Ibarra, naging panauhin niya si Elias, na dumalaw upang ipaalam na nilalagnat si Maria Clara, magpaalam na tumungo siyang papuntang Batangas, at tanungin si Ibarra kung may iapapagawa pa siya sa kanya. Tinanong ni Ibarra muna ang piloto kung paano niya itinigil ang gulo at ang dahilan daw ay kilala niya ang magkapatid na sibil at pinakiusapan niya ang mga itong ihinto ang kanilang panggugulo. Pagkatapos sabihin ito ni Elias ay umalis na siya patunong Batangas.

Habang nagbibihis si Ibarra, pinag-isipan niya ang kasintahang nagkasakit, at balak niyang pumunta sa bahay nina Kapitan Tiago. Sa daan papunta sa bahay ng mahal, isang maitim na lalaki ay kanyang nakita na may pangalang Lucas. Ang mama ay ang kapatid ng madilaw na tao na namatay sa unang bagsak ng bato ng paaralan ni Ibarra, at tinatanong kung kailan ibabayad ang kanilang pamilya. Sinabihan siya ni Ibarra na maghintay nalang muna dahil may binbisita siyang maysakit at mabilis naman siyang babalik, kaya saka nalaang nila pag-usapan ang pagbabayad. Sumang-ayon si Lucas, ngunit nang tumalikod ito'y kumulo ang kanyang dugo at bumulong sa sarili na kapag 'di nagbayad si Ibarra, magiging parang apoy ang kanyang dugo, at magiging isang kalaban si Ibarra, ngunit kung magbayad ng sapat, magiging isang mabuting kaibigan ang dalawa.

________________________________________________________________________

Episode 7: Ang Mangagamot

Sa bahay ni Kapitan Tiago, puno ang lahat ng tao ng kalungkutan dahil sa pagkasakit ni Maria Clara. Pinag-uusapan ng magkapinsang sina Tiya Isabel at Tiago kung alin sa dalawang krus nila ay magbibigay ng pinakamalaking biyaya at himala, nang dumating si Dr. Tiburcio de Espadana, kalihim ng lahat ng mga ministro ng Espanya, at may relasyon din kay Padre Damaso.

Nang nakita si Donya Victorina, inakala niya ito'y mas bata kaysa sa totoong edad, at nagkakaroon ng isang flashback sa kabataan ni Victorina, kung saan ipinakita na dahil sa sobrang ganda niya noong siya'y dalaga, balak niyang ikasala ang isang dayuhan kaysa sa isang Pilipino upang umangat ang kanyang status sa lipunan. Dahil pinilit ang sariling magmahal sa isang Kastila, pinili nalang niya ang isang mahirap na Kastila na pinilitang mamuhay sa Pilipinas galing sa Espanya, at ito'y ang doktor na bagong dalaw sa bahay ni Tiago, na mukhang mas matanda kaysa kay Victorina, kung sino'y tunay na mas matanada sa kanya.

Ang doktor ay ipinakitang nagsakay sa barkong Salavador patungong Pilipinas, at dito'y nakaranas siya ng pagkabali ng paa at katakut-takot na paghihilo. Nang dumating siya sa bansa, labinlimang araw ang nakalipas bago siya makakuha ng isang trabaho sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sinabihan siyang huwag na mag-aral at maghanap nalang ng magandang kapalaran sa probinsya, dahil dito, puwede siyang maging isang doktor na walang kwalipikasyon kundi pagiging Kastila. Kahit ayaw niyang sundin ito, wala na siyang opsyon, at nagtrabaho siya sa ospital ng San Carlos bilang tagapaglinis ng mga mesa't upuan at tagapagbaga ng mga painitan na wala talagang alam sa medisina. Sa una, mababa ang suweldo, ngunit sa paglipas ng oras ay palaki nang palaki ito, kasama ang kanyang pataas na tiwala sa mga Pilipino. Subalit, may isang araw na sinumbong ng mga doktor sa Protomediko de Manila na 'di siya isang tunay na doktor, at nawalan na siya ng mga pasyente.

Pinag-isipan niyang maglimos ulit tulad noong siya'y nasa Espanya nang ipakasalan ni si Victorina. Lumipat ang mag-asawa sa Santa Ana upang mamuhay. Ilang araw ang nakalipas at bumili ng aranya at karomata si Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ilang buwan ang lumipas, at ayaw ng Donya na manganak sa Pilipinas at doon nalang sa Espanya dahil ayaw niya ng anak na tatawaging rebolusyonario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada.

Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay napanatili siya sa Pilipinas kahit sinasabi niya ito'y “lupain ng mga salvaje”. Kahit madalas siyang tingnan ng mga doktor, hindi siya nagkaanak. Dahil naging desperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, inilabas ang galit sa asawa, at ang doktor ay 'di man lang tumanggi. Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na magkaroon ng titulong medisina, at kahit tumutuol siya ay sinunod niya rin ito.


Habang nagmemeriyenda sila, dumalaw si Padre Salvi, kung sino'y matagal silang magkakilala. Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan – Heneral sa kanilang tahanan. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria Clara na noon ay nakahiga sa kama at may panyo sa ulo. Pinulsuhan ng doktor si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Sa huli, dumating si Padre Damasong kagagaling lamang sa sakit, upang dumalaw kay Maria Clara.


No comments:

Post a Comment