Monday, November 8, 2010

Episode 11: Pagbabago sa Buhay ng Isang Dalaga


Kinaumagahan, unang nadatnan ni Maria Clara ang balita sa diyaryo ukol sa pagkamatay ng kanyang minamahal, si Crisostomo Ibarra, ngunit ni basahin ang diyaryo ay hindi ginawa. Makalipas ang ilang saglit, dumatal naman si Padre Damaso na nagdaramdam at napamuni sa kalagayan ng kanyang walang malay na anak, si Maria Clara. Itong si Maria Clara na sa kumbento o sa kamatayan na lamang nakasalalay. Sa katunayan, inihabilin niya na ang lumaking ama sa kanya, si Kapitan Tiago, rito kay Padre Damaso upang pangalagaan at ipinatawag niyang wakasan ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares.


Bakit hindi man lang binabasa ni Maria Clara ang diyaryo? Ngayong patay na si Crisostomo Ibarra ano na ang mangyayari? Ni kailanman nanaisin pa bang magpakasal ni Maria Clara sa sinumang lalaki? Papahintulutan ba ni Padre Damaso na pumasok si Maria Clara sa kumbento o hahayaan na lang niya itong magpakamatay?


PANOORIN ANG BAGONG PALABAS, NGAYONG MARTES PAGKATAPOS NG AGUA BENDITA, SA PRIMETIME BIDA!

Episode 10: Putukan sa Bayan!


Sa loob ng bahay,ni Kapitan Tiyago si Maria Clara at ang kanyang kaibigang si Sinangsa ay naghintay para kay Ibarra. Ngunit, sa oras na iyon ay ang tinakdang araw para sa paglusob ng kumbento. Nang pumasok si Ibarra ay sabay nagsimula ang putukan sa labas, at dahil dito ay natakot ang lahat ng tao sa loob, kasama na rito si Padre Salvi, kung sino ay tumatago sa isang sulok. Inutos agad ng Alperes na ang lahat ng babae ay ipasok sa mga silid. Hindi nag-usap ang magkasintahang sina Ibarra at Maria Clara.

Pagkatapos, bumalik agad si Ibarra sa kanyang bahay, at umalis, dala-dala ang kanyang mga bagay at nakasakay sa kabayo. Bago siya umalis, muntik siyang labanin ng isang kawal na Kastila, ngunit nagbagong isip ito at sinamahan nalang. Nang wala na sa bahay si Ibarra, dumating si Elias at nagulat sa kanyang nakita. Tiningnan niya ang mga iba't ibang naiwang gamit ni Ibarra. Nang nakita niya ang mga parating na sundalo sa bintana, binuhusan niya ang mga gamit at sinunog ang mga ito.

Saan kaya pumunta si Ibarra? Bakit kaya 'di siya kinausap ni Maria Clara? At ano kaya ang plano ni Elias? Malaman ang lahat ng mga ito sa palabas ngayong linggo!

PANOORIN ANG BAGONG PALABAS, NGAYONG LUNES PAGKATAPOS NG AGUA BENDITA, SA PRIMETIME BIDA!

Episode 9: Ang Doktor at ang Manyak

Nagsisimula ang lahat sa pagrinig ni Padre Salvi sa kumpesyon ni Maria Clara. Dahil may sakit ang dalaga ay binisita at ginamot siya ni Dr. de Espadana. Binigyan si Maria Clara ng gamot ng doktor, at pagkalipas ng isang oras ay nakitang umayos ang pakiramdam ni Maria Clara at parang naipagaling na siya ng doktor. Nagkumpesyon muli si Maria Clara sa masamang Padre Salvi at pagkatapos ng kumpesyon ay nakita na pawis na pawis at namumutla na ang prayle.

Bakit kaya naging sobrang pawis ang pari? May iba ba siyang intensyon? May gagawin ba siyang malisyoso? Ano ang pipiliin niya, babae o Diyos? Lahat ng tanong ay isasagot sa itong tunay na kontrobersyal na episode!


PANOORIN ANG BAGONG PALABAS, NGAYONG BIYERNES PAGKATAPOS NG AGUA BENDITA, SA PRIMETIME BIDA!